• tek•lá•do
    png | [ Esp teclado ]
    :
    hanay o mga hanay ng mga key ng isang piyano, makinilya, at iba pa.
  • tek•ník
    png | [ Ing technic, technique ]
    1:
    a paraan, lalo na ng artistikong pagsasagawâ o pagganap kaugnay sa mekanikal at pormal na detalye b kaalaman o kakayahan sa isang bagay
    2:
    paraan o metodo sa pag-abot o pagkamit ng isang layon
  • ték•ni•ká
    png | [ Esp tecnica ]
  • ték•ni•kál
    pnr | [ Ing technical ]
    1:
    ukol sa o kaugnay sa sining pang-industriya, mekaniko, at aplikadong agham
    2:
    ukol sa o ginagamit sa partikular na ag-ham, sining, at iba pa
    3:
    ukol sa o nagpapakíta ng pamamaraan
  • ték•ni•ka•li•dád
    png | [ Esp tecnicali-dad ]
    1:
    ang pagiging teknikal
    2:
    teknikal na pahayag o ekspresyon
    3:
    tekni-kal na punto o detalye
  • ték•ni•kó
    png | [ Esp tecnico ]
  • ték•ni•kó
    pnr | [ Esp tecnico ]
  • ték•ni•kó•lor
    png | [ Ing technicolor ]
    1:
    proseso ng may kulay na sinemato-grapiyang gumagamit ng singkroni-sadong mga monochrome film, na bawat isa ay may iba’t ibang kulay upang lumikha ng may kulay na limbag o tatak
    2:
    a matingkad o tíla buháy na kulay b artipisyal na kaningningan.
  • tek•nís•yan
    png | [ Ing technician ]
    1:
    dalubhasa sa praktikal na aplikas-yon ng agham
    2:
    tao na bihasa sa pamamaraan ng isang sining o gawain
    3:
    tao na nagtatrabaho upang tingnan o ban-tayan ang isang teknikal na kasang-kapan at gumagawâ ng praktikal na gawain sa laboratoryo
  • ték•no•krát
    png | [ Ing technocrat ]
  • tek•no•ló•hi•kó
    pnr | [ Esp tecnologico ]
    1:
    ukol sa o may kaalaman sa tek-nolohiya
    2:
    bunga ng teknikal na progreso sa paggamit ng mga mákiná at iba pa
  • ték•no•lo•hí•ya
    png | [ Esp tecnologia ]
    1:
    agham o pag-aaral sa praktikal o pang-industriyang sining
    2:
    ang mga terminong ginaga-mit sa agham, sining, at iba pa
    3:
    aplikadong agham
  • teks
    png
    :
    tíla barahang ginagamit sa laro ng mga batà
  • ték•sas
    png | [ Ing texas ]
    1:
    uri ng manok na pansabong
    2:
    mag-nanakaw
  • téks•buk
    png | [ Ing textbook ]
    :
    aklat na ginagamit sa pag-aaral, lalo na ang pinagbabatayan ng paliwanag ng isang paksa
  • téks•to
    png | [ Esp texto ]
    1:
    ang pangu-nahing bahagi ng isang aklat, bukod sa mga pansin, dagdag, larawan at iba pa
    2:
    ang orihinal na mga salita ng isang awtor o dokumento, bukod sa mga puna o paliwanag
    3:
    mga salitâng hango sa Bibliya, lalo na bílang paksa ng isang sermon
  • tektite (ték•tayt)
    png | Heo | [ Ing ]
    :
    maliit, itim, at tíla kristal na bagay na maki-kíta sa lupa o sa ilalim ng dagat, at pinaniniwalaang mula sa banggaan ng mga bulalakaw.
  • ték•wan
    png | [ Tsi ]
    :
    metal na tsaréra.
  • té•la
    png | [ Esp ]
    :
    anumang hinábing hibla ng mahimaymay na bagay, gaya ng bulak, lana, seda, at iba pa
  • té•la-a•lám•bre
    png | [ Esp ]
    :
    kasangka-pan sa pagsukat ng diyametro ng tela