ta•yú•tay 1: pahayag na guma-gamit ng mga salita sa isang di-pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisà ng kahulugan 2: alegori-kong awit na may tugma at súkat ang titik.
T-back (tí•bak) : uri ng panti na korteng T, at karaniwang isinusuot upang hindi magbakat ang linya ng panti sa hapít na palda, pantalon, at katulad.
teach (tits) 1: ipakíta kung paano gawin ang isang bagay 2: magbigay ng aral sa isang estudyan-te 3: magbigay ng leksiyon tungkol sa isang paksa 4: magbigay ng kaalaman, pananaw, at iba pa.