- tóm•pongpng | Mus | [ Mag Sub ]:plawta na yarì sa kawayan, may pasak sa itaas na bahagi, may makitid na ukang hinihipan, at may napakataas na tunog
- tóm-tompng | Mus | [ Ing ]:sinaunang tambol na pinatutugtog ng kamay, karaniwang ginagamit ng mga Indian sa Amerika.
- -tomy (tó•mi)pnl | [ Ing ]:pambuo ng pangngalan, nangangahulugang pagpupútol, lalo na sa pagtistis, hal appendectomy.
- ton (tan)png | [ Ing ]:toneláda
- to•ne•lá•dapng | [ Esp ]1:yunit ng timbang na katumbas ng 2,240 librang bigat o 1016.05 kg, karani-wang gamit sa United Kingdom2:yunit ng timbang na katumbas ng 2,000 librang bigat o 907.19 kg, karaniwang gamit sa Estados Unidos, Canada, South Africa, at iba pa
- to•ne•lá•hepng | [ Esp tonelaje ]1:bu-wis sa mga barko batay sa tonela-dang karga2:kabuuang halaga o dami ng padalá sa barko na kina-kalkula sa tonelada3:kapasidad ng isang barko na kinakalkula sa tonelada
- tó•nerpng | [ Ing ]1:kemikal na nag-bibigay ng kulay sa potograpikong limbag2:pulbos na ginagamit sa pagpaparami ng kopya sa pamama-gitan ng prosesong xerograph.
- tongpng | Kol1:salapi na nagiging bahagi ng bangkero o ng may-ari ng pasugalan2:anumang salapi o bagay na hinihingi ng maykapangyarihan sa tao o establi-simyento nang labag sa batas3:[Tsi] asosasyon, partido sa politika, o lihim na samahan.
- to•ngá•lipng | [ Ifu ]:plawtang pambi-big na yarì sa kawayan at may anim na butas.
- tó•ngarpng | Zoo | [ ST ]1:áso na gina-gamit sa pangangaso2:tawag din sa áso na wala nang silbi.
- to•ngá•tongpng | Mus | [ Kal ]:instru-mentong bumbong ng kawayan na ipinapalò sa sahig hábang pinapalò ng kanang kamay ang itaas na bahaging butás upang tumunog
- tóng-a-tóngpng | Mus | [ Tin ]:instru-mentong binubuo ng anim na túbo ng kawayang may iba’t ibang habà, bukás ang isang dulo, tatlong tao ang humahawak, at ibinubunggo ang dulo nitóng nakasará sa isang sapád na bató.