triceps (tráy•seps) : anu-mang kalamnan na may tatlong ulo o tatlong pinagdurugtungan, lalo na ang nása likod ng braso.
trick (trik) 1: anumang aksiyon o plano upang makapan-linlang o makapanloko 2: ilusyon 3: tiyak na pamamaraan sa pagga-wâ 4: natatanging manerismo.
triduum (tríd•yum) : tatlong araw, ang panahong inilalaan sa pagdiriwang ng isang bayan para sa mahal na patron
trí•go 1: alinman sa damong (genus Triticum) may uhay na punò ng butil 2: ang butó ng da-mong ito na ginagamit sa paggawâ ng arina
trí•go•no•met•rí•ya : sangay ng matema-tika ukol sa ugnayan ng mga gilid at anggulo ng mga tatsulok at ng kaugnay na funsiyon ng alinmang anggulo
tri•kór•ni•yó 1: kathang-isip na hayop na may tat-long sungay 2: sombrerong, may pardiyas na itinupi paitaas sa tatlong gilid.
trilingual (tray•líng•gu•wál) 1: nagsasalita ng tatlong wika 2: sinasabi o isinusulat sa tatlong wika.
trillion (tríl•yon) : kardinal na bílang na sinasagisag ng bílang na isa at sinusundan ng labin-dalawang zero (1,000,000,000,000).
trilobite (tráy•lo•báyt) : fosil ng anthropod (subphylum Trilobita) at karaniwang nakikíta sa mga ba-tóng Palaeozoic.
trilogy (trí•lo•dyí) 1: pangkat ng tatlong magkaka-ugnay na panliteraturang akda 2: set ng tatlong trahedya na ginanap bílang pangkat