tri•ni•dád 1: kalagayan ng pagiging tatlo 2: pangkat ng tatlo 3: sa malakíng titik at sa teolohiyang Kristiyano, tatlong persona ng Diyos, bílang Ama, Anak, at Espiritu Santo
trinitrotoluene (tráy•nay•tró•tol•yún) : substance na solido, dilaw, kristalina, natutunaw sa tubig, at madalîng magningas, CH4C6H2 (NO2)4; pampasabog na hindi naaapektuhan sa ordinaryong pagkiskis, at karaniwang ginagamit ng militar
trio (trí•yo) 1: set o pangkat ng tatlo 2: a komposisyong pantatluhang boses o instrumento b pangkat ng tatlong tagapagtanghal.
tri•páng : uri ng echino-derm (class Holothuroidea) na may mahabàng malakatad na katawan at may galamay sa unahang dulo
tripod (tráy•pod) 1: istand na may tatlong paa, karaniwang ginagamit na patungan ng kamera 2: upuan, mesa, o anumang kaga-mitang may tatlong paa.