tro•pi•kál 1: alinman sa magkaparallel na guhit ng latitud sa palibot ng mundo na nása 23.50 sa hilaga at 23.50 sa timog ng ekwador 2: sa malakíng titik, ang mga rehiyon sa pagitan nitó
tropism (trow•pí•sim) : pagbáling ng lahat o bahagi ng isang organismo túngo sa isang par-tikular na direksiyon bílang tugon sa panlabas na estimulo.
troposphere (tró•po•is•fír) : ang pinakaibabâng rehiyon ng atmospera, lumalawig sa taas na 6 at 10 km mula sa rabaw ng mundo at may temperaturang tumataas.
tró•so : malaking punongkahoy na pinutol, karani-wang , mula sa gubat, upang gamitin sa paggawâ ng bahay, at karpinteri-ya
Tró•ya : sa Iliad, sinaunang lungsod na sinalakay at winasak ng hukbong Griyego sa pamumunò ni Agamemnon
truce (trus) 1: pansaman-talang kasunduan na itigil ang mga labanán 2: suspensiyon o pagtigil sa anumang pribadong alitan o pagtatálo.
truism (tru•í•sim) 1: lantad at napakakaraniwan nang pahayag 2: mungkahing nagpapahayag nang walang labis sa kung anumang ipinahihiwatig ng mga termino.