tu•kô 1: reptil (family Gekkomidae) na kaha-wig ng butiki ngunit higit na malakí ang katawan, magaspang ang balát, malakí ang mata, at may malagkit na paang mahigpit ipangkapit sa kahoy o bató 2: bulútong túbig 3: talingtíngan.
tú•kod-lá•ngit : uri ng pakô (Helmintostachys zeylanica) na karaniwang 50 sm ang taas, may maiikling gumagapang na risoma at popular gamítin sa salad.
tu•kól 1: hinog nang bu-til ngunit hindi pa naaani 2: pagba-bayad 3: pagtábas sa kahoy gamit ang paet 4: paghampas sa kahoy upang tanggalin ang pagkakahug-pong nitó.
tú•kop 1: nakatakip ng ka-may, karaniwang sa ari kapag hubo’t hubad o sa bibig 2: inilagay ang kamay sa ibabaw ng isa.
tuk•só 1: akto o pagkakataon ng pag-udyok na gumawâ o gawin ang isang pagkakamali o kamalian 2: pag-subok2 3: birò2 4: pagsisiyasat sa pamamagitan ng mga tanong.
túk•tuk 1: maliit na ibon (Megalaima haemacephala) na pru-tas ang pagkain, makulay ang bala-hibo, malakí ang ulo, at may mataba at may mga balbas sa punò na tuka 2: tukláw.