tul•dík pa•kup•yâ : tuldik (^) na pananda sa salitâng maragsa at matatagpuan sa patinig na nása dulo ng salita hal ngatâ, ngitî, tukô.
tul•dók 1: pagtusok ng mali-liit na piraso ng pagkain 2: ang hinto sa pagsasalita o ang panan-dang (•), ginagamit sa dulo ng pangungusap 3: maliit at bilóg na marka
tu•lì 1: uri ng pagtistis sa pamamagitan ng pagputol sa dulong balát ng uten 2: hakbang pangkalinisan upang maiwasan ang pagdami ng kupal
tu•lig•sâ 1: pangmadlang pagpu-na sa isang tao at sa ginagawâ nitó 2: nakalathalang puna tungkol sa sinuman
tu•li•ngág : nawalan ng kakaya-hang mag-isip nang wasto at nasira ang pandamdam, malimit bunga ng napakalakas na ingay
tu•lí•ngan 1: isdang-alat (Auxis thazard) na kapamilya ng tambakol at tuna, kulay abo ang biluhabâng katawan, patulís ang ulo, malakí ang bibig, at siksik ang lamán 2: isdang-alat (Thunnus albacares) na dilaw ang palikpik, maliliit ang kaliskis, pahabâ ang katawan, at karaniwang lumalakí nang 195 sm