tungsten (tángs•ten) : matigas, mabigat, at abuhing putî na metalikong element, ginagamit sa asero, filament ng de-koryenteng ilaw, at iba pa (atomic number 74, symbol W).
tu•ngú•hin 1: direk-siyon ng isang gawain, panahon, moda, at iba pa 2: hula o kuro hinggil sa naturang direksi-yon
tú•ni•ká 1: malu-wang at tíla togang kasuotan na isinusuot ng mga babae at laláki sa sinaunang Gresya at Roma 2: tíla blusang kasuotan na hang-gang baywang at karaniwang nilalagyan ng sinturon 3: maikling balabal na bahagi ng uniporme ng mga sundalo, pulis, at iba pa 4: bálok1.
tunnel (tá•nel) 1: daanán sa ilalim ng lupa o tubig 2: TUNÉL 3: anumang daan na katulad nitó, gaya ng sa mina
tú•nod 1: malambot na da-hon ng saging, at ang palma kung hindi pa ito namumukadkad 2: matúlis at pahabàng sandatang ginagamit na pambala sa búsog
tu•nóg 1: anumang maririnig, dulot ng pagpukaw ng mga ugat sa pandinig sa pamamagitan ng vibration na dalá ng hangin 2: a anu-mang ingay b ÁTNI, SOUND1 3 c anu-mang pagbigkas sa pamamagitan ng organ sa pagsasalita