tun•sóy : isdang-alat at kauri ng sardinas (Sardinella aurita) na humahabà nang 15-18 sm, asul ang bahaging itaas ng katawan at kulay pilak ang dakong ibabâ, madilaw ang kaliskis na pana-panahong natatanggal.
tun•tón 1: hanapin ang dulo ng lubid na nabuhol o hanapin ang isang tao o bagay na nawawala sa pamamagitan ng mga tanda 2: ma-tagpuan ang nawawala 3: sabihin ang isang bagay dahil iniutos ito.
tun•tú•ngan 1: tambol na troso, nakabitin nang bahagya sa lupa, at sinasa-bitan ng dalawang nakabaligtad na banga upang lumakas ang tunog 2: anumang maaaring tapa-kán.
tú•on 1: pagsasáma-sáma ayon sa sukat 2: sandigan o sala-layan ng katunayan 3: pinagmulan o pinagkukuhanan ng isang bagay.