tung•kód : pútol ng kahoy o yantok na karani-wang ginagamit na pantulong sa paglalakad, lalo na ng matatanda
tung•kód-pa•rì : palumpong (Cordyline fruticosa) na tumutubò nang mataas, may mga tangkay na may markang pilat ng dahon, at itinatanim bílang palamuti
tung•kós 1: pumpon ng bulaklak 2: bungkos ng dahon, patpat, at iba pa 3: pagdadalá ng anuman sa pa-mamagitan ng itiniklop na laylayan ng palda o ng itiniklop na laylayan ng kamiseta.
tung•kú•lin 1: anumang kilos na kailangan sa pagtupad ng gawain o posisyon 2: kilos na bunga ng kamalayan sa hustisya, moralidad, at iba pa
tú•ngo 1: direksiyong pupuntahan o paroroonan 2: hangarin sa paggawâ ng isang bagay 3: bahagi na nauukol sa isang tao 4: paraan ng pakiki-sáma o pagtrato sa ibang tao 5: araw ng pag-aayuno sa mabibigat na trabaho, lalo na sa bukid.
tu•ngór 1: pagbibigay sa ba-wat isa ng karampatang bahagi sa paghahatian 2: sapot ng gagam-bá 3: pares o gansal.