turn off (turn off) 1: pagka-wala ng gana o sigla 2: pagpatay ng ilaw o anumang kasangkapang de-koryente.
turnover (tern•ów•ver) 1: ang akto o pagkakataon ng paglili-pat o pagbabaligtad 2: ang halaga ng salaping nakuha o kiníta sa ne-gosyo 3: bílang ng tao na puma-pasok at umaalis sa trabaho at iba pa 4: maliit na pie o tart, gawâ sa binilot na piraso ng pastel na may palamán.
tur•nu•tú•lin : uri ng malakíng lapulapu (Cephalopholis argus) na madilim na kayumanggi ang kulay na may madilim na bátik na bughaw sa ulo at palikpik
tu•rón 1: asukal na pinakunat, hinaluan ng mani, kasoy, o iba pa, at ibinabálot sa manipis na banig ng arina, gaya ng turon de-kasoy 2: piniritong saging na sabá, ibinalot tulad ng lumpiya.
tur•pen•tí•na 1: alinman sa mga oleoresin na nakukuha sa mga pino at kauring punongkahoy 2: mapusyaw, madalîng sumingaw na langis na dinalisay mula sa na-sabing oleoresin, ginagamit sa mga pintura, gamot, at iba pa