tú•ring 1: alok ng nagtitinda na halaga ng tinda 2: tuód2-3 3: paghahayag o pagbubun-yag ng isang bagay.
Turin Shroud (tú•rin shrawd) : relikyang nása Turin simula 1578, ang tela na pinaniniwalaang ipinambalot sa katawan ni Kristo nang inilibing.
tu•rís•mo 1: ang gawain o praktika ng paglalakbay, lalo na upang maglibang 2: paglalaan ng transportasyon, aliwan, tiráhan, pagkain, at iba pa, para sa mga turista 3: pagsasaayos at pagsasagawâ ng pis-ta, lalo na bílang gawaing pangko-mersiyo
tur•ké•sa 1: lungtiang asul na mamahaling bató, tinubigang phosphate ng aluminyo na may halòng kaunting tanso 2: kulay lungtiang asul
Turkey (tér•ki) : bansang sumasaklaw sa buong peninsula ng Anatolia sa kanlurang Asia at sa disyertong Gobi
turmeric (tur•mé•rik) 1: haláman (Curcuma longa), nása pamilya ng lúya, napagkukunan ng mabangong risoma na ginagamit bílang rekado o pampalasa at bílang dilaw na tinà 2: pinulbong riso-mang ginagamit bílang pampalasa lalo na sa curry powder.