tú•to 1: magkaroon ng kaalaman sa isang bagay o kasanayan sa isang sining, hanapbuhay, at iba pa sa pamama-gitan ng pag-aaral, pagbabasá, at katulad na karanasan 2: alamin kung ano o paano ang gumawâ ng isang bagay 3: taglayin ang isang gawi, ugali, o saloobin
tu•tób 1: pagtakip o pagbá-lot sa sasakyang-dagat mula sa unahan hanggang sa hulihán nitó 2: hayop na kakaiba ang anyo na may kulay pilak na mga pakpak.
tú•tob : parisukat na telang cotton, may iba’t ibang tingkad at pusyaw ng pulá, at inilalagay sa ulo.
tú•tog 1: paggupit ng sunóg na dulo ng mitsa ng kandila 2: pagkatuyo ng mga dulo ng dahon 3: pagkaupos o pagkamatay, gaya sa natútog na kandila.
tu•tók 1: bahagi na naka-laan sa isang tao sa paghahati-hati ng isang bagay 2: palatandaan na inilalagay upang ituwid ang isang baluktot na kahoy.
tú•tok 1: pagtuturò ng dulo ng sandata sa isang tao o bagay 2: paglapit upang hindi magkamali ng tamà 3: títig
tú•tol 1: damdamin o pahayag ng pagsalu-ngat, hindi pagsang-ayon, o hindi pagkagusto 2: apelas-yón1 3: kuwéntong báyan.
tutor (tyú•tor) 1: pribadong guro, lalo na ang pangkalahatang nangangasiwa sa edukasyon ng isang tao 2: guro sa isang unibersidad na nangangasiwa sa pag-aaral at kapakanan ng mga itinalagang mag-aaral
tutorial (tyu•tór•yal) : pana-hon ng pagtuturò na ibinibigay ng isang tutor at iba pa sa isang indi-bidwal o pangkat.