tú•way 1: báligyâ2, katulad ng isang ganta ng asin kapalit ang isang ganta ng bigas 2: ang pinunò, gaya ng namumunò sa isang pagpupulong 3: pagbibigay ng pabuya ang sarili.
tu•wí : punongkahoy (Doli-chandrome spatchacea) na makinis ang katawan, tumataas nang hang-gang 15 m at 5-10 m ang diyametro ng katawan, may biluhabâng dahon na 30-40 sm ang habà, parihaba ang mga butó, at madálang ang bulaklak
tu•wíd 1: kumikilos nang pantay sa iisang direksiyon lámang, gaya sa isang tuwid na daan 2: nása maayos na kalagayan at ang-kop na puwesto, gaya sa tuwid na pag-iisip 3: payak at matapat, gaya sa tuwid na sagot
tu•wí•rang lá•yon : salita o pangkat ng mga salita na kumakatawan sa tao o bagay, at tuwirang tinutukoy ng kilos ng pandiwa
tu•yâ 1: pahayag o kilos na may layuning pagtawanan ang pinapaksang tao, bagay, o pang-yayari 2: isang hindi tapat at suwail na panggagaya, malimit may bisà na pababain ang halaga ng gina-gaya