tu•yô 1: walang bahid ng tubig o nawalan ng tubig 2: kulang sa damdamin at nakababagot 3: kung sa lupain, tigáng 4: kung sa alak, walang tamis
tuy•tóy 1: bote na malapad ngunit punggok, mahaba ang leeg, at gina-gamit para sa alak 2: kabagalan ng pagkilos ng katawan 3: pagkakaroon ng dumi.
tu•yú•re : sa pandayan, túbong gawâ sa hinulmang luad, nakakabit sa hungkuyan ang isang dulo at nakabukás sa dapugan ang kabilâ.
twang 1: malakas at tuma-taginting na tunog na likha ng pagti-pá ng kuwerdas ng isang instrumen-tong pangmusika o labtik ng panà 2: boses na nagmumula sa ilong.
tweed (twid) 1: telang lána na magaspang ang rabaw, karani-wang may halòng iba’t ibang batik ng mga kulay 2: kasuotang gawâ dito.