unveil (án•veyl) 1: tanggalin ang belo 2: tanggalin ang telang nakatakip sa estatwa, plake at katulad, bílang bahagi ng seremonya sa unang pampublikong pagtatanghal 3: magsiwalat
un•yón 1: pagsasáma o pagbubuklod ng dalawa o higit pang bagay 2: pagiging mag-kabuklod o magkasáma 3: bunga o dulot ng pagbubuklod o pag-sasáma , ng dalawa o higit pang mga bagay 4: mga tao, estado, at katulad , na pinag-isa o pinag-ugnay ng iisang layunin 5: pangkat ng mga estado o nasyon na itinutu-ring na iisang lawas pampolitika 6: organisasyon ng mga manggagawâ 7: proseso o resulta ng pagsasáma o integrasyon ng magkahiwalay, putol, o balîng elemento, gaya sa paggalíng ng , sugat o nabalìng butó 8: lokasyon , o pook na pinangyarihan ng pagbu-buklod
ú•od 1: maliliit at pahabâng parasito na gumagapang at karani-wang nakikíta sa mga dahon ng ha-láman o madumi at nabubulok na bagay 2: lárva
u•óm 1: pagtakip ng kamay sa bibig 2: pagkukulóng ng isang bagay sa pook na walang hangin o hindi ito nakakahinga 3: masamâng panaginip
up (ap) 1: nakatayô; nakatindig 2: kung sa presyo, mataas 3: kung sa gawain, tapos na 4: kung sa laro, nakapusta; nakatayâ 5: nakabangon na