- u•ga•gàpng:kilos ng pagpipilit na tapusin ang lahat ng gawain
- ú•gakpng | [ ST ]:ingay ng maalong dagat
- u•ga•lìpng | [ Bik Hil Ilk Kap Pan ST ]1:gawì2:kilos at pananalita na kakikitahan ng personalidad ng isang tao3:anumang pagtugon ng isang organismo sa lahat ng may kaugnayan sa kaniya4:anumang gawain ng isang organismo5:aksiyon o reaksiyon ng anumang materyal sa isang sitwasyon
- u•gá•ogpng | [ ST ]:malakas at sunod-sunod na pag-uga sa punongkahoy upang malaglag ang bunga
- u•gá•pangpng | Zoo:katamtaman ang laking isdang-alat at kauri ng banak (Ellochelon vaigiensis), may pinilakang kulay na madilim sa pang-itaas na bahagi ng katawan, at dilaw ang buntot
- u•gátpng | [ Bik Hil Seb Tag Tau ]1:bahagi ng katawan ng haláman na karaniwang tumutubò pailalim sa lupa at sumisipsip ng sustansiya at tubig2:anumang katulad nitó3:pinanggalingan o ang sanhi ng pinanggalingan ng isang bagay4:ang pangunahing sangkap o kalikásan ng isang bagay5:pinagmulang pamilya, lahi, o kultura lalo na bílang dahilan para sa malalim na ugnayan sa isang pook o komunidad6:alinman sa mga túbo na bahagi ng sistema sa pagdaloy ng dugo sa katawan
- u•gáwpnr:mahinàng umunawa
- ug•bóspng | Bot | [ ST ]:suloy na umuusbong sa tuód