• U, u
    png
    1:
    ang ikadalawampu’t tatlong titik sa alpabetong Filipino, at tinatawag na yu
    2:
    ikalabingwalong titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na u
    3:
    ikadalawampu’t tatlo sa isang serye o pangkat
    4:
    pasulat o palimbag na representasyon ng U o u
    5:
    tipo, gaya ng sa printer upang magawâ ang titik U o u
  • U (yu)
    daglat
  • U (yu)
    symbol | Kem | [ Ing ]
  • u•ád
    png
    :
    anumang nátirá sa palay na kinain ng dagâ
  • u•áng
    png | Zoo
    :
    varyant ng uwáng
  • u•bà
    png | [ ST ]
    :
    pagsungkal ng baboy sa mga haláman
  • ú•bad
    png | [ ST ]
  • u•bá•hob
    png | Med | [ ST ]
    :
    pagsuob sa babaeng bagong panganak o sa maysakít
  • u•bák
    png | [ Pan ]
    1:
  • ú•bak
    png
    1:
    [ST] balakbák1
    2:
    [Bik] tálop o pagtatálop
  • u•bá•kan
    png | Bot | [ ST ]
    :
    behuko na may balát
  • ú•ban
    png | [ Bik Hil Ilk Kap Seb Tag ]
    :
    putîng buhok sa ulo
  • u•bá•nin
    png | [ uban+in ]
    :
    tao na maagang pumutî ang buhok
  • u•bá•ob
    png
    1:
    anyo ng ulo o mukha na nakasubasob
    2:
    pagkatálo sa laro, away, sugal, at katulad
    3:
    pagkalulóng sa anumang bagay
  • u•bás
    png
    1:
    [ST] paliligo ng babae sa unang pagkakataon na dinatnan ito ng regla
    2:
    [Bik] tuyông lupa
  • u•bás
    pnr
    :
    wala nang katas, gaya sa nátirá sa gugo matapos itong gamitin
  • ú•bas
    png
    1:
    [Esp uva+s] baging (genus Vitis) na makinis ang balát, kumpol-kumpol ang bunga na nakakain at nagagawáng alak, katutubò sa Europa
    2:
    [Bik Hil Seb Tag] sapal ng gugo
    3:
    unang paligo ng babae pagkatapos ng regla
  • ú•bat
    png | Bot | [ ST ]
    1:
    isang uri ng halaman
    2:
    kahoy na mula sa Tsina
  • u•ba•tí•kos
    png | Bot | [ ST ]
    :
    batóng mineral mula sa Tsina na kombinasyon ng arseniko at asupre
  • u•ba•yà
    png | [ ST ]
    :
    salitâng-ugat ng paubayà, paggálang sa iba at pagbibigay ng pagkakataon sa kaniya na sabihin ang kaniyang katwiran, at págpapaubayà, pagiging mahinahon at mapagbigay