up (ap) 1: túngo sa, o nása pataas na posisyon 2: nása papawirin 3: nása pook na itinuturing na mataas 4: higit na mataas sa puntos, antas, ranggo, at katulad 5: nása unahán 6: nása ibabaw
ú•pa 1: bayad para sa isang tinapos na gawain, lalo na yaong nangangailangan ng tanging kakayahan o talino 2: nakatakdang bayad sa pagpasok sa panoorin, museo, teatro, at katulad 3: regular na bayad sa pansamantalang tirahan, sasakyan, o aliwan
u•pák : malambot at pang-ilalim na bahagi ng saha ng abaka na kadalasang itinatapon matapos matalop ang ibabaw
ú•pas 1: a punongkahoy (Antiaris toxicaria) na nakukuhanan ng pagkit na ginagamit sa palaso bílang lason, karaniwang matatagpuan sa Java b Mit punongkahoy na Javanese at pinaniniwalaang mamamatay ang sinumang lumapit dito c nakapipinsalang impluwensiya, gawain, at katulad 2: sahà 3: pagtatalop sa puso ng mais 4: pinagtalupang balát ng mais
u•pa•sa•là : pahayag na may ka-lakip na paghamak at pagkutya sa kapuwa tao at may layuning ikagalit nitó
u•pát : mapanlinlang na paghimok sa isa o ibang tao para kumilos o gawin ang isang bagay na bawal o masamâ