vést•ment 1: kasuótan, karaniwang panlabas 2: opisyal na kasuotan ng mga klerigo o iba pang táong naglilingkod sa simbahan 3: opisyal o panseremonyang kasuotan
veto (ví•to) : kapangyarihan o karapatan ng isang sangay ng pamahalaan na ipagpaliban o ipawalang-bisà ang pasiya o pagpapatupad ng ibang sangay, gaya sa pagtanggi ng pangulo o ibang tagapagpaganap sa panukalang batas na pinagtibay ng kongreso
viable (váy•a•bél) 1: may kakayahan 2: maaaring tumubò o sumibol 3: umunlad nang normal sa isang kondisyon ng kaligiran 4: sa fetus na nása yugto ng pagiging sanggol, maaari nang mabúhay sa labas ng sinapupunan 5: maaaring maging mabisà o mainam
viaduct (váy•a•dákt) 1: mahabà at tíla tulay na estruktura, gaya ng serye ng mga arko na ginagamit sa pagtatayô ng daan o riles sa ibáyo ng lambak o katulad 2: gayong daan o riles
viaticum (vay•át•i•kúm) 1: sa Katoliko Romano, komunyon na ibinibigay sa tao na malapit nang mamatay 2: salapi o mga kailangan para sa isang paglalakbay
vibrant (váy•brant) 1: mabilis na gumagalaw nang paulit-ulit 2: sa tunog, mataginti 3: buháy na buháy 4: sa kulay, matingkad at kapuna-puna
vibrate (váy•breyt) 1: gumalaw nang tulóy-tulóy at paulit-ulit 2: manginig; mangatal 3: umalingawngaw; tumaginting
vi•brá•to : mabilis na varyasyon ng tono sa pagkanta o pagtugtog ng instrumentong hinihipan o may bagting at nagiging sanhi ng panginginig
vibrator (vay•bréy•tor) 1: instrumentong lumilikha ng vibration, karaniwang de-koryente at ginagamit sa pagmamasahe o seksuwal na layunin 2: anumang lumilikha ng vibration