vér•bum sap : sapat na ang iisang salita sa táong marunong; nagpapahiwatig na hindi na kailangan ng higit na malinaw na pagpapahayag
verdict (vér•dik) 1: sagot ng sangguniang hurado na ibinibigay sa korte kaugnay ng usaping kailangang pagpasiyahan 2: hátol1,2
verdigris (vérd•ah•grís) 1: a lungti at kristalinang substance na yarì sa tanso at nabubuo sa pamamagitan ng aksiyon ng acetic acid b gamot o pigment na mula sa substance na ito 2: lungting kalawang sa tanso
verge (verdz) 1: hanggáhan 2: sukdulang hanggahan na susundan ng aksiyon 3: damuhan sa gilid ng daan 4: tisa o baldosa na nakaumbok sa itaas na bahagi ng dingding na malapit sa bubungan 5: setro o baton na hawak ng dekano, obispo, at iba pa
verisimilitude (vér•i•si•míl•i•tyúd) 1: paglitaw ng katotohanan o bahid ng katotohanan 2: anumang may bahid ng katotohanan
vermicelli (ver•mi•sél•i) : uri ng pasta na mahabà, manipis, at solido na kahawig ng ispagheti ngunit higit na manipis
vér•min 1: mammal o ibon na pumipinsala sa hayop, pananim, at iba pa gaya ng maya at dagâ 2: parasitikong bulate o kulisap 3: nakayayamot na tao
vermouth (ver•mút) : alak na maraming sangkap na yerba at pangunahing gamit bílang pampagána o panghalò sa ibang inumin
veronica (ve•rón•i•ká) 1: halámang kabílang sa genus Veronica, hal speedwell 2: a tela na ipinalalagay na may hulagway ng mukha ni Hesukristo b anumang katulad na larawan ng mukha ni Hesukristo 3: paggalaw ng kapa ng matador papalayô sa sumusugod na toro
Veronica (ve•ró•ni•ká) : sa Bibliya, babaeng taga-Herusalem na naghandog ng birang upang ipunas sa dugo at pawis ni Hesukristo nang patúngo ito sa kalbaryo
versatile (vér•sa•tíl, ver•sa•táyl) 1: madalîng umangkop o lumipat mulang isang paksa o gawain 2: sa kagamitan, may iba’t ibang gamit
verse (vers) 1: taludtod1 2: bersikuló 3: bahagi ng awit na kinakanta pagkatapos ng introduksiyon at nauuna sa koro