Ver•te•brá•ta : subphylum na binubuo ng mga hayop na chordata at may utak na nakapaloob sa bungo at may biyas-biyas na gulugod, hal mammal, ibon, reptil, amphibian, at isda
vertex (vér•teks) 1: tugátog 2: a puntong pinakamalayò sa base b ang bawat sulok ng anggulo ng polygon, polyhedron, at iba pa c pagsasalikop ng dalawang linya upang bumuo ng anggulo
vertical angle (vér•ti•kál áng•el) : sa heometriya, isa sa magkabila at magkapantay na anggulo na likha ng dalawang linyang magkasalikop
vés•per 1: karaniwang nása malakíng titik, ang panggabing bituin, hal Venus Vesper 2: kampanang pinatutunog sa takipsilim 3: a pang-anim sa pitóng kanonikong oras ng pagdarasal b serbisyo o misa sa takip-silim c Lit Mus evensong
vessel (vés•el) 1: sisidlan ng likido, gaya ng kasko, mangkok, botelya, o tása 2: sasakyang pantubig, hal barko, bapor 3: a Ana túbo o duct gaya ng mga ugat na dinadaluyan ng dugo o ibang likido b Bot bahagi ng haláman ng naglalamán ng katas 4: tao na itinuturing na tagatanggap ng isang bagay o kalidad, karaniwang hindi materyal
vest 1: panloob at pang-itaas na kasuotang panlaláki, masikip, walang manggas, at may mga botones sa harapán 2: katulad na kasuotan ng mga babae 3: kamiséta 4: korminyo ng mga babae
Vés•ta 1: diyosa ng apuyan at sambahayan ng mga Romano 2: isa sa apat na pinakamaningning at ikatlo sa mga pinakamalakíng asteroid