violone (ví•o•ló•ney) 1: double bass violin 2: organong de-pedal na may labing-anim na foot tone at may tunog na kahawig ng biyolonselo
Vír•go 1: malakíng konstelasyon na sinasabing sumasagisag sa diyosa ng ani at may ilang manininingning na bituin 2: a ikaanim na tanda ng zodyak (23 Agosto–22 Setyembre) b tao na isinilang sa petsang nakapaloob sa tandang ito
virgule (vír•gyul) 1: maikli at pahilig na marka sa pagitan ng dalawang salita at nagpapahiwatig na magagamit ang alinman sa dalawa 2: linyang nakapahilis na naghahati, gaya sa petsa, fraction, at katulad, hal 10/10/99
vír•tu 1: a kaalaman hinggil sa sining o pagiging eksperto sa sining b mga likhang sining 2: likás na hálagáhang moral
virtual (vír•twal) 1: nása kapangyarihan, puwersa, o epekto bagaman hindi aktuwal o hayagan 2: hinggil sa mga punto na pinagtatagpuan ng mga ray kapag nilikha nang pabalik 3: walang pisikal na pag-iral ngunit may anyong makatotohanan