vivisection (vív•i•sék•syon) 1: operasyon sa isang buháy na katawan 2: pag-opera sa mga buháy na hayop para sa siyentipikong pananaliksik 3: marahas at detalyadong kritisismo
V neck (ví•nek) 1: kuwelyo ng damit na may tuwid na gilid na nagtatagpo sa isang anggulong hugis V sa harapan 2: kasuotang may gayong estilo
vocal (vó•kal) 1: hinggil sa tinig 2: inaawit o dapat awitin 3: lumilikha ng tunog o may tinig 4: malakas ang loob magsalita at magsabi ng nása loob 5: ukol sa patinig
vocational education (vo•kéy•syo•nál e•dyu•kéy•syon) : pagsasánay at pag-aaral na nagbibigay ng praktikal na karanasan sa isang partikular na larangan, gaya ng agrikultura, industriya, ekonomiyang pantahanan, at katulad
vód•ka : inuming alkoholiko na walang kulay, hindi hinahayaang maging tigulang at ginawâ sa pamamagitan ng destilasyon ng rye
voice over (voys o•vér) : pagsasalaysay sa isang pelikula at katulad na hindi nakikíta ang nagsasalita
void (voyd) 1: sa kontrata, kilos, pangako, at katulad, walang legal na bisà; hindi legal 2: walang-saysay 3: walang nanunungkulan 4: sa set, null o walang lamán