visor (váy•zor) : anumang pananggaláng sa mga matá, hal bahagi ng helmet para iligtas ang mga matá sa lumilipad na bagay o biglang pagkasilaw
visual aid (víz•wal eyd) : anumang materyales na inihanda para makíta o mapanood, gaya ng pelikula, retrato, slide, larawan, o katulad na ginagamit na pantulong sa pagtuturo
vital statistics (váy•tal is•tat•ís•tiks) 1: estadistika hinggil sa búhay ng tao o sa mga salik na nakaaapekto dito at sa pagpapanatili ng populasyon gaya sa bílang ng mga isinílang, nag-asawa, o namatáy 2: ang súkat ng dibdib, baywang, at balakang ng isang babae
viticulture (vít•i•kúl•tyur) 1: siyentipikong pagtatanim ng ubas 2: agham o pag-aaral hinggil sa ubas
ví•ti•lí•go : sakít sa balát na nagdudulot ng makinis at makatíng batík sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng pagkawala ng likás na kulay
ví•tri•ól 1: sulphuric acid o sulphate, karaniwang may malakristal na anyo 2: pananalita, kritisismo, o pakiramdam na mapang-uyam o mapanuya
vivarium (vay•vár•yum) : artipisyal na pook na sadyang inihanda upang maging katulad na katulad ng likás na kaligiran ng mga hayop
viva voce (váy•va vów•si) 1: sa unibersidad, pasalitâng bahagi ng isang pagsusulit 2: pasalitâng pagboto
ví•vid 1: matingkad, gaya sa kulay o liwanag 2: labis ang sigla 3: nagtatanghal ng anyo, kasariwaan, o diwa ng búhay 4: malínaw; kítang-kíta