vél•vet 1: telang yarì sa seda, nylon, rayon, at iba pa na pawang masinsin ang pagkakahábi at may makapal na rabaw 2: mabalahibong balát ng usa
vendetta (ven•dít•a) 1: madugong awayan at karaniwang sanhi ng paghihiganti nang may pagpatay 2: matagal at mapait na awayan
vending machine (vén•ding ma•syín) : mákiná na hinuhulugan ng barya upang maglabas ng anumang bagay na nais bilhin gaya ng kendi at inumin
veneer (vi•nír) 1: a napakanipis na suson ng kahoy o katulad na materyales na ipinapaimbabaw sa higit na magaspang na kahoy b manipis na suson ng kahoy na pinagdikitdikit upang bumuo ng playwud 2: a kasiyá-siyáng itsura o anyo b mapanlinlang na panlabas na anyo ng isang magandang katangian
venereal (vi•nír•i•ál) 1: mula sa, may kaugnayan sa, o nalilipat sa pamamagitan ng pagtatalik, gaya sa impeksiyon, sakít, at katulad 2: hinggil sa naturang mga sakít 3: mayroong venereal disease 4: may kaugnayan sa seksuwal na pagnanasà o pagtatalik 5: nakapagpapatindi ng seksuwal na pagnanasà
Venn diagram (ven dá•ya•grám) : dayagram na karaniwang binubuo ng magkasalikop na bilóg at ginagamit upang kumatawan sa mga set at ipakíta ang ugnayan ng mga ito