wa•lí 1: paglilinis o pagsasaayos ng bagay-bagay 2: pahintulot ng magulang sa pagpapakasal ng anak na babae
wá•ling•wá•ling : uri ng katutubòng dapò (Vanda sanderiana) at itinuturing na pinakapopular at pinakamaganda sa Filipinas dahil sa bulaklak nitó na malapad ang talulot, may mangasul-ngasul na pink na kulay, at dáting marami sa Bundok Apo
wa•lís : kasangkapang pang-alis ng dumi sa sahig ng anumang rabaw ng bahay o anumang pook, karaniwang yarì sa binigkis na tingting, tambo, at katulad
wa•lis-wa•lí•san 1: lawiswís2 2: pangingisda gamit ang maliliit na patpat ng walis 3: pagwalis ng maliliit na bagay gaya ng mga nalaglag na mumo 4: pagpútol sa yerba na nag-uumpisang tumubò
wa•lí•was 1: paggalaw ng mga bisig na katulad ng nagwawagayway ng bandera 2: paghahagis ng anuman nang hindi lumalagpas sa balikat ang mga bisig
walk (wok) 1: lákad1 o paglákad 2: daánan ng mga nagsisipag-lakad, gaya ng sa bangketa 3: ayos o itsura ng lakad o paglakad
walkie-talkie (wó•ki tó•ki) : radyong may dalawahang signal, karaniwang ginagamit ng pulisya, sundalo, at katulad