- wermacht (vér•mak)png | Mil | [ Ger ]:hukbong sandatahan ng Germany, lalo na noong 1921 hanggang 1945
- wérs•werspng | Kol:patuyang tawag sa paraan ng pagsasalita ng nagpipilit mag-Ingles
- West Indies (west ín•dis)png | Heg | [ Ing ]:tanikala ng mga pulô na sumasaklaw mula sa Florida hanggang sa baybayin ng Venezuela at nása pagitan ng Dagat Carribean at Karagatang Arlantiko; ang mga isla ay nakíta ni Columbus noong 1492 at pinanga-lanan niyang gayon sa paniwalang nakaratíng na siya sa India
- wes•wéspng | [ Ilk ]1:bilóg na piraso ng bao na may dalawang bútas, tinatalian ng pisi at pinaiikot2:matulis na metal, ipinambubutas sa hawakang kahoy ng patalim
- wet dream (wet drim)png | [ Ing ]:erotikong panaginip
- wé•tengpnr | Kol | [ Ing waiting ]:sa madyong, naghihintay ng pitsang ipapanalo
- wéy•terpng | [ Ing waiter ]:tao na nagsisilbi sa mga kumakain sa isang restoran, hotel, at katulad, wéyt•res kung babae
- wheatmeal (whít•mil)png | [ Ing ]:arinang gawâ sa trigo