- white admiral (wayt ád•mi•rál)png | Zoo | [ Ing ]:uri ng paruparo (genus Limenitis) na initiman ang pakpak at may putîng batík
- whiteboard (wáyt•bord)png | [ Ing ]:putîng plastik na pisara na maaaring sulatan ng pansulat na laan para rito
- white collar (wayt kó•lar)pnr | [ Ing ]:may trabahong pang-opisina at hindi nangangailangan ng gawaing pisikal
- white dwarf (wayt dwarf)png | Asn | [ Ing ]:bituin na mataas ang densidad
- white elephant (wayt é•le•fánt)png | [ Ing ]:pag-aari, gusali, at katulad na ginastusan ngunit hindi na pinakikinabangan o kailangan, lalo na kung magastos pangalagaan
- white fish (wayt fish)png | Zoo | [ Ing ]:isdang-alat (genus Coregonus o Pro-sopium) na karaniwang matatagpuan sa timog America
- white flag (wayt flag)png | [ Ing ]:watawat na kulay putî na sagisag ng pagsuko o pakikipagkasundo
- whitefly (wáyt•flay)png | Zoo | [ Ing ]:uri ng insekto (family Aleyrodidae) na may malagkit na putîng pakpak, at karaniwang peste sa haláman
- white gold (wayt gold)png | [ Ing ]:alinman sa uri ng pinilakang ginto na ipinampapalit sa platinum
- white goods (wayt guds)png | [ Ing ]:mga gamit na pantahanan