white heat (wayt hit) 1: yugto ng pagkakaroon ng masidhing gawain, pakiramdam, at katulad 2: matinding init na nakalilikha ng liwanag sa nasisinagan nitó
white hope (wayt howp) : tao na inaasahang magtatagumpay para sa isang pangkat, organisasyon, at katulad
white slavery (wayt ís•le•ve•rí) 1: kalagayan ng mga tao na sapi-litang pinagtrabaho sa prostitusyon 2: krimen ng tao na sangkot sa naturang sapilitang prostitusyon
whodunit (hó•dan•ít) : kuwento o dula tungkol sa pagkakatuklas sa isang krimen, lalo na kung ukol sa pagpatáy ng tao
whole food (howl fud) : pagkaing may likás na sangkap, maaaring kainin nang hindi nilutò, at hindi nagtataglay ng preserbatibo