woodpigeon (wud•pí•dyon) : malakíng kalapati (Columbia palumbus) na may putîng batík na tíla singsing sa leeg
woodrose (wúd•rows) : malakíng baging (Merremia tuberosa), may dahong tíla palma, kulay dilaw at hugis kampana ang bulaklak, at may bungang tíla kapsula, katutubò sa tropikong Amerika
woodwind (wúd•wind) 1: ang mga hinihipang instrumento sa orkestra na gawâ sa kahoy, hal plawta, klarinet, oboe 2: alinman sa mga kasangkapang ito
woodwork (wúd•work) 1: paggawâ ng anuman sa kahoy 2: mga bagay na gawâ sa kahoy, lalo na ang kahoy na bahagi ng isang gusali
wool (wul) 1: malambot, kulot, at malagông túbo ng balahibo sa mga hayop na tulad ng tupa at kambing 2: tela mula dito
worcestershire sauce (wús•ter•syír sos) : sarsa na gawâ sa toyo, sukà, at mga pampalasa, at unang ginawâ sa Worcester, England
word processing (word prá•se•síng) : sistemang pang-computer na nakaprograma para sa mabilis, mahusay na produksiyon at pag-edit ng mga papeles, ulat, rekord sa negosyo, at katulad
work ethic (work é•tik) : paniniwala sa likás na kabutihan ng paggawâ at sa bisà nitó upang patatagin ang kalooban
workforce (wórk•fors) 1: ang kabuuang bílang ng mga manggagawà sa isang industriya 2: kabuuang bílang ng mga tao na nagtatrabaho o walang trabaho
working capital (wór•king ká•pi•tál) 1: halaga ng puhunan na kailangan upang magpatuloy ang isang negosyo 2: iba pang ari-arian maliban sa fixed asset