wiper (wáy•per) 1: tao na tagapahid o tagapunas ang gawain 2: pamahíran2 3: sa mga sasakyan, ang gumagalaw na barilyang may goma na nakakabit sa windshield at nagsisilbing pampunas nitó lalo na kung umuulan
wire brush (wayr brash) 1: brotsa na may matitigas na buhok para sa paglilinis ng maruruming rabaw, lalo na kung metal 2: brotsa na ginagamit na pampalò sa pompiyang upang makalikha ng mahinàng tunog na metaliko
wireless (wáyr•les) 1: walang kawad o alambre 2: ukol sa anumang aparato na pinagagána ng elektromagnetikong alon
wireman (wáyr•man) 1: tao na nag-aayos o naglalagay ng mga kawad ng koryente 2: peryodistang nagtatrabaho sa ahensiya ng telegrapo
wiretapping (wayr•tá•ping) : akto o teknik ng pakikialam sa linya ng telepono o telegrapo upang lihim na makinig
wisdom tooth (wís•dam tut) : ang ikatlong bagáng sa alinmang gilid ng itaas at ibabâng panga, karaniwang pinakahulíng tumubò
wish-fulfilment (wish ful•fíl•ment) 1: ang udyok na makalaya o palayain ang sarili sa matinding tensiyon sanhi ng likás na pangangailangan, gaya ng sex, pagkain, at katulad 2: paglulunggati nitó
wishing-well (wí•sying wél) : balon na maaaring hilingan ng sinumang maghahagis o maghuhulog ng barya dito
wi•sík 1: pag-basâ ng isang bagay sa pamamagitan ng mga daliri o buong kamay 2: kasangkapan para sa gayong gawain