women’s liberation (wí•mens lí•be•réy•syon) : kilusan para sa paglaya ng kababaihan mula sa hindi pagkakapantay-pantay at kalagayang mababà kaysa kalalakihan, at mga kaugaliang pinagmumulan nitó
wonderland (wán•der•lánd) 1: lupain ng mga kahanga-hangang bagay at nilaláng 2: rehiyon o bansa na kahanga-hanga
woodcarver (wud kár•ver) 1: tao na gumagawâ o lumililok ng disenyo sa kahoy 2: kasangkapan na ginagamit dito
woodcarving (wud•kár•ving) 1: paglililok ng disenyo sa kahoy 2: ang sining o kaalaman ng tao na lumililok 3: disenyo sa kahoy na likha nitó
woodcock (wúd•kak) : migratoryong ibon (genus Scolopax) na mahabà ang tuka at kulay kape ang balahibo
woodcraft (wúd•kraf) 1: kaalaman sa mga gawaing ukol sa kahoy 2: kaalaman sa mga pook na makahoy, lalo na sa kamping, iskawting, at katulad
woodcut (wúd•kat) 1: may ukit na bloke ng kahoy na maa-aring gamitin sa paglilimbag 2: disenyo o limbag na gawâ mula rito