am : sabaw na nakukuha sa kumukulông sinaing, kulay putî, at malimit gamitin bílang inúmin ng sanggol
a•má 1: magulang na laláki 2: sinumang ninunong laláki, lalo na ang nagtatag ng isang lipi, lahi, o angkan 3: tao na kumakandili 4: tao na nagsimula o nagtatag ng anuman
a•ma•dán : maliit na basket na punô ng bagong aning palay at nilagyan ng krus na nakabálot sa itim na puntas sa paniniwalang hindi ito kukunin ng masasamâng espiritu
á•mag 1: mumunting organismo, karaniwang lungti o mamutî-mutî ang kulay at lumilitaw sa pagkain o sa mga gulay na nabubulók 2: funggus (gaya ng order Mucorales) na nagpapalitaw nitó 3: ulyábid