a•ngáy 1: hindi lumiwanag nang lubos ang apoy o kandila 2: kunin mula sa apóy ang isang bagay, ó bawasan ang apóy
angel’s trumpet (éyn•dyels trám•pet) : maliit na punongkahoy (Brugmansia suaveolens) na may malakí at nag-iisang bulaklak na hugis trumpetang tíla nakabitin, katutubò sa Brazil
angelus (án•dye•lús) 1: kawaksi o súgo ng Diyos, karaniwang anyong tao, at may pakpak 2: mabuting tao 3: mensahero o tagapagdala ng isang bagay 4: Katoliko Romanong dasal na nagsasalaysay ng engkarnasyon, inuusal sa umaga, tanghali, at dapithapon 5: orasyón3