angina (angina) 1: pananakit ng dibdib dahil sa pagod at kakulangan ng dugo na umaabot sa puso 2: atake ng masidhing sakít sa lalamunan na nagdudulot ng paghihirap huminga
angiogram (án•dyi•o•grám) : radiograph ng mga daluyan ng dugo at lymph, isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasok ng substance na nakikíta sa X-ray
angioplasty (án•dyi•o•plás•ti) : pag-aayos ng napinsalang daluyan o bagong túbong ugat ng dugo sa pamamagitan ng operasyon