áng•gu•ló 1: puwang sa pagitan ng dalawang guhit o rabaw na nagsasalikop sa isang sulok 2: isang sulok o tulis 3: direksiyon ng kinuhang larawan 4: aspekto ng pagsilip o pagsuri sa isang bagay
áng•gu•lóng rék•to : anggulong may 90°, tulad sa isang sulok ng isang parisukat o interseksiyon sa pagkukrus ng dalawang linyang perpendikular
ang•hél 1: isa sa siyam na uri ng tagapaglingkod na pangkaluluwa ng Diyos 2: sugo ng diyos 3: tao na katulad ng anghel sa kagandahan, kabaitan, at iba pa 4: espiritung tagapatnubay o tagapangalaga
ang•hél de la gu•wár•di•yá 1: anghel na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng isang tao, lalo upang makaiwas sa panganib o pagkakamali 2: tao na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao