Á•rab 1: tao na Semitiko na naninirahan sa Arabia o sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan 2: anumang may kaugnayan sa bansang Arabia
a•ra•bán : maliit hanggang malaki-laking isdang-dagat (family Antennariidae) na may malaki at palinghadong bibig, bilóg na sapád na katawan, at palikpik pektoral na tíla siko
a•ra•bés•ko 1: sa ballet, posisyon o tindig na nakaunat ang isang paa, pahalang sa likod, nakadukwang ang katawan, at nakaunat ang dalawang kamay 2: disenyong ornamental na gumagamit ng banghay ng mga baging, bulaklak, at bungangkahoy upang lumikha ng komplikadong padron ng mga linya 3: maikling piyesa, karaniwang sa piyano
arabica (a•rá•bi•ká) 1: palumpong o punongkahoy na laging-lungti (Coffea arabica) at nagbubunga ng kapeng mataas ang kalidad 2: kape na mula rito