Araceae (a•rey•sí•i) : family ng mga halámang tropiko (order Arales) at karaniwang may mga bulaklak sa malamáng tumpok ng mga tinik na naiilaliman ng madahong baluti
Arachnida (a•rák•ní•da) : isang class sa Arthropoda na may kakayahang umangkop sa búhay panlupa, kasama ang gagamba, alakdan, at kuto
a•rá•gan : alga (Sargassum siloquosum) na maaaring kaínin ng tao, tuwid, hanggang 50 sm ang taas, at kumpol-kumpol kung lumago
á•rag-á•rag : kahong gawâ sa metal na nagdadalá ng mabibigat na bagay, may isa o dalawang gulóng sa harap at sinusuportahan ng dalawang báras sa magkabilâng gilid bílang tatangnan sa pagbuhat nitó