a•rán•ya 1: sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na karaniwang nakasabit sa kisame 2: gagambá 3: tawag sa maluhong sasakyan, may apat na gulóng, hila ng isang kabayo, at may tábing na naibababâ kapag hindi mainit ang araw o hindi umuulan
a•ra•rú 1: palumpong (Maranta arundinacea) na nakakain ang lamáng-ugat, ipinasok sa Filipinas mula sa tropikong Amerika noong panahon ng Espanyol 2: arinang gáling dito 3: tinapay na gawâ mula rito var uraro, aruru, aruro, arurot, uraru