Ba! 1: pinaikling Aba! 2: katagang nagpapahayag ng gúlat, tákot, mangha, gitla, at iba pang kauring damdamin.
Baal (béy•al) 1: pangunahing diyos ng sinaunang Semite, lalo na ng mga taga-Canaan at Phoenicia, at sinamba bílang diyos ng mga nais magkaanak 2: huwad na diyos.
ba•ár : katutubòng paraan ng pagbibiláng ng inaning palay sa pamamagitan ng pagbubungkos o pagtatalì.