bí•tay 1: parusang kamatayan sa isang gumawâ ng krimen 2: pagpatáy sa pamamagitan ng pagbigti 3: sábit1
bit•bít 1: bungkúlan 2: dambuhalà3 3: kumpol ó bungkos ng damo, katulad ng bolobor kapag binubunot ito
bit•háy 1: bilóg at walang tinatangnang panghúli ng tulya, yarì sa nilálang lapát na kawayan 2: masusing paghahanap, pagsasaliksik, o pagsisiyasat
bí•tig 1: panliliit dahil sa tákot 2: erbiborong isdang-alat (Stephanotepis tomentosus) na makipot ang bunganga at maliliit ang mga kaliskis