ha•gú•hak 1: tunog ng lalamunan kapag nasusuká 2: tunog ng isinasáling tubig sa lalagyang may mahabàng leeg.
ha•gung•hóng 1: na tunog ng tubig na bumabagsak o umaagos sa isang kubkob na pook, gaya ng kuweba o mga daang túbo 2: umaalingawngaw na tunog mula sa malakas na pag-uusap o pagsasalita ng maraming tao o ingay ng mga hayop.