há•kab 1: pagsipsip gamit ang bibig o biyas ng kawayan 2: paglalapat, gaya ng paglalapat ng bató sa argamasa.
há•ka•rá 1: isang masayáng balada na karaniwang inaawit ng mga manlalakbay 2: isang uri ng sayaw na Espanyol at ang musika nitó.
hak•báng 1: kilos ng paa sa pag-lakad o pagtakbo 2: súkat o agwat ng dalawang paa sa paglakad 3: unlád
hak•bá•ngan 1: harang na ginawâ sa pinto ng isang bakod 2: mababàng harang na ginawâ sa may pinto at kadalasang malapit sa hagdan upang hindi makalabas o mahulog ang batà
hak•bót 1: biglaang pagsunggab o pagdakot sa anumang ibig kunin 2: biglang pagbunot ng sandata, tulad ng itak, mula sa kaluban 3: halbót1.