haiku (háy•ku) : tulang Hapones na binubuo ng tatlong linyang may 5,7,5 pantig at mada-las na pumapaksa sa mga hulagway kaugnay ng kalikásan
há•in 1: handâ 2: paghahanda ng pagkain sa hapag o mesa 3: anumang katulad na paghahanda o inihanda 4: táong tamad o walang ginagawâ kundi ang kumain at matulog nang buong maghapon, gaya sa “hainan at pag-urungan”
hairdresser (heyr•dré•ser) 1: propesyonal na tagaputol at taga-ayos ng buhok 2: gawaan o opisina ng isang hairdresser.