ha•ku•tán 1: lalagyan o sasakyang ginagamit sa pagda-dalá ng mga bagay sa isang pook 2: maramihang pagdadalá ng mga bagay sa isang pook 3: pook na pinagdadalhan ng mga hinahakot 4: paglipat mula sa isang pook túngo sa isa pa 5: singil o bayad sa pagha-hakot.
ha•lá•bas 1: mahabà, makináng, at pabalantok na itak na pantabas ng mahahabàng damo 2: pagtabas ng damo 3: hiwa na dulot ng itak o espada.
ha•lab•há•ban 1: inihaw na karne ng hayop na napanalunan sa laro 2: natálong manok sa sábong na napupunta sa nanalo.
Ha•lá! Bi•rá! 1: katagang sina-sambit, karaniwan sa pagdiriwang ng Sinulog, nangangahulugang “Sulong!, Sugod!” 2: Hilahin mo! 3: Suntukin mo!
ha•la•bós 1: pagluluto ng hipon, alimasag, at katulad sa tubig at asin 2: pagsaklot nang minsanan sa nasá harap.
ha•la•bót 1: biglaang pagbunot, gaya ng baril mula sa kaluban nitó 2: paglalabas ng lahat ng mga lamán ng isang lalagyan o kahon.