ku•lak•nít : uri ng paniki (Ptenochirus jagori, Cyanop-teris brachyotis) na mukhang dagâ, may pakpak, lumilipad tuwing gabi, at nanginginain ng mga bungang-kahoy
Ku•lá•kog : higanteng tamad na sanhi ng pagkasawi ng kaniyang asawa at pagkakabuo ng pulo ng Catanduanes
ku•la•lá•ngaw : kulisap na maliit at kulay lungti, may pakpak gaya ng sa langaw, at naninirà ng palay
ku•la•la•yíng 1: tawag noon sa buwan 2: isang binibini sa buwan, ayon sa mga alamat 3: iisang uri ng torotot 4: sangmuktî
kú•lam 1: lihim na kapangyarihang pangiba-bawan o dulutan ng sakít ang ibang tao 2: kapangyarihan o bisàng tulad ng kulam
ku•lam•bô : tela na manipis, may pinong-pinong mga bútas, at ginagamit na pananggaláng laban sa lamok