ku•la•pó 1: uri ng lapulapu (Plectropormis maculatus) na kulay kayumanggi at may mga bughaw na bátik sa pang-itaas na bahagi ng katawan 2: isdang-alat (Cromileptus altiveles) na may mataas na palikpik 3: dapúlak 4: uri ng halámang dagat o lumot 5: lináb
ku•lás 1: sa malakíng titik, pangalan ng laláki 2: bansag sa laláking utusán, ku•lá•sa kung babae 3: uod ng tutubi
ku•la•sí•man 1: yerba (Portulaca oleracea) na gumagapang at may dilaw na bulaklak 2: katamtamang asim
ku•la•sí•mang-á•so : yerba (Trianthema Portulacastrum) na 40 sm ang taas, habilog ang dahon, makapal at 6 sm ang habà, at may bulaklak na kulay pink sa dulo ng tangkay, karaniwang matatagpuan sa mga bakanteng lote at itinuturing na damo