kú•lang 1: hindi sapat; hindi buo 2: may nabawas o nawawala 3: hindi makaaabot o makapapasá sa pamantayan
ku•lá•ngot 1: dumi o natuyông sipon sa loob ng bútas ng ilong 2: minatamis na nása loob ng butó ng palomaria na tíla maliit na bao, at may puláng papel na nakapalibot na nagsisil-bing pansara sa nasabing butó
ku•lan•tríl•yo de-a•lám•bre : uri ng pakô (Adiantum capillus-veneris) na may maliliit na dahon sa bawat tangkay at karaniwang tumutubò sa malilim na pook
ku•lán•tro, ku•lan•tró 1: yerba (Coriandrum sativum) na maaaring kainin nang hilaw ang dahon at ginagawâng pampalasa sa putahe ang butó at dahon 2: tawag sa butó nitó, karaniwang pinatutuyô at ginagamit na pampalasa